lumayo ka nga sa akin

BOOK TRAILER

LUMAYO KA NGA SA AKIN
BOB ONG
2011

Mula sa kasumpa-sumpang kahirapan at kalunus-lunos na kaignorantehan sa mundong kanyang kinagisnan, namulat si Marie sa tunay na mukha ng matamis at mapagpakasakit na pag-ibig.  Ngunit makakayanan nya ba ang mga hamon ng bukas?  Ano ang kanyang magiging kapalaran?  Huwag na huwag palalampasin ang mga tagpo ngayong gabi sa telesineseryenobela na kumpleto sa mga pang-aapi, paghihiganti, impostor, amnesia, kasal, at diary!

ang mga kaibigan ni mama susan

BOOK TRAILER

ANG MGA KAIBIGAN NI MAMA SUSAN
BOB ONG
2010

Isang mag-aaral, isang talaarawan.
Isang matanda, maraming kaibigan.

Ikaw ay pinili.

kapitan sino

BOOK TRAILER

KAPITAN SINO
BOB ONG
2009

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop.  Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; naglanding nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon?  Maililigtas nya ba sila Aling Baby?  At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?

Kapitan Sino
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.

macarthur

BOOK TRAILER

MACARTHUR
BOB ONG
2007

Merong matigas.
Merong malambot.
Merong tuwid.
Merong kulot.
Merong buo.
Merong durog.
At merong mga taong
Hindi basta-basta lumulubog.

Batung-bato ka na ba?
Rock-rockan na!

BACK