How presidensyabol are you

     Marami ka bang kamag-anak, kaibigan, at kumpare?  Paborito mo ba ang kulay dilaw?  Gusto mo bang maikasal ang mga anak mo sa Malacaņang?  Then take the quiz and know your presidentiability quotient!  Remember, ABSOLUTE POWER is fUn!!!

1.)  Ang paborito mong libangan ay:

manood ng tv
magbasa ng libro
makinig sa radyo
mangako

2.)  Ang kasalukuyan mong trabaho ay:

cardinal
vice president
artista
self-employed, kidnap for ransom, with mayor's permit

3.)  Ikaw ay may kakayanang:

kumanta
sumayaw
kumanta at sumayaw
all of the above

4.)  Marami kang pera:

oo

5.)  Pag may kodakan, ikaw ay:

nagtatago
ngumingiti
nagsusuklay bago ngumiti
agad na kumukuha ng batang madungis para kargahin

6.)  Pag oras ng kainan, ikaw ay:

tumatanggi
nakikisalo
nagpapa-take out
nagkakamay, kahit may wristband

7.)  Pag nakakita ka ng Pilipino, ang nakikita mo ay:

kapwa-tao
kababayan
kapatid
botante

8.)  Pag namatay ka, ang gusto mong paglibingan ay:

ilog
likod bahay
mass grave
Libingan ng mga Bayani

9.)  Isa sa mga phobia mo ay ang:

masisikip na lugar
matataas na lugar
madidilim na lugar
impeachment

10.)  Isa sa mga pangarap mo sa buhay ay ang:

magpatayo ng eskwelahan para sa mga bata
magpatayo ng hospital para sa mahihirap
magpatayo ng home shelter para sa mga may kapansanan
magpatayo ng higanteng rebulto ng mukha mo sa gilid ng isang bundok

11.)  Ang pinakamakapangyarihang bagay sa mundo:

pag-ibig
pag-asa
pananalig sa Maykapal
pera ng maimpluwensya, boto ng bobo, at pwersa ng militar

12.)  Ang pinakamalaking suliranin ng bansa natin ngayon:

usaping pangkapayapaan
matinding kahirapan
pagkakawala ng Ghost Fighter
pagpapatupad sa absentee voting

13.)  Ang kasalukuyang national budget deficit natin ngayon:

ask the audience
50-50
phone a friend
i'll take the check

14.)  Upang makatulong sa mga kapos-palad na kababayan, karaniwan kang:

nagbibigay sa charitable institutions
sumasali sa mga socio-civic groups
namamahagi ng mga pagkain at lumang damit
nakikipag-kamay

15.)  Upang umunlad ang bayan, dapat nating baguhin ang:

ating mga sarili
pamamalakad ng pamahalaan
paraan ng pangongolekta ng buwis
konstitusyon

16.)  Complete the sentence: "Si Juan ay __________ ngayon sa Europe."

nagbabakasyon
nagpapahinga
nagpapasarap
may working visit

17.)  Ang bilang ng mga taong malapit sa `yo ay umaabot sa:

10
50
100
kaibigan ko ang mga leader ng iba't-ibang religious groups

18.)  Sa iyong kabataan, ikaw ay naging isang:

mabait na bata
batang masunurin
magalang sa mga nakakatanda
masipag na bata, nagtinda ng sampaguita upang makapag-aral, tumulong sa mga magulang at kapatid, at nakapagtapos sa kabila ng kahirapan.

19.)  Naniniwala ka sa kabutihang naidudulot ng pagsasagawa ng Balikatan sa bansa taon-taon:

oo
hindi
pakiulit yung tanong
dapat lang talagang pabakunahan ang mga sanggol laban sa polio

20.)  Pag tinatanong kung gustong maging presidente, ang karaniwan mong sagot ay:

"Hindi."
"Hindi sigurado."
"Ayoko."
"I keep on saying this... again and again... I have no political ambitions whatsoever!"